Babaeng palaban kung ilarawan ng lahat si Bituin. Kaya naman bilang environmentalist, palaban din ang paraan niya upang sugpuin ang mga grupong naninira sa kalikasanang mag-rally. At pakiramdam niya ay malapit na siyang magtagumpay kung hindi lang sumulpot si Arielang lalaking ipinanganak yata para kontrahin ang lahat ng mga diskarte niya sa buhay. Ang masama, pati "alagad" ni Bituin ay nakumbinsi ng binata na idaan ang mga hinaing sa mas maayos kuno na paraan. Hindi papayag si Bituin na basta na lang sirain ni Ariel ang lahat ng mga pinaghirapan niya. Handa siyang ibigay sa lalaki ang laban na hinahanap nito. Pero bakit ganoon, tuwing magkakaharap sila, ang puso ng babaeng palaban ay tila unti-unting naduduwag?