"`Pinapangako ko, hinding-hindi na kita pakakawalan pa. Sa ayaw at sa gusto mo, ipagdadamot talaga kita ng todo sa iba." Matagal nang may gusto si Monet kay Ezra. Ang kanyang dating simpleng crush sa lalaki noong bata pa sila ay nauwi na nang tuluyan sa pag-ibig habang lumalaki sila. Pero ang Hcrodes.napakasuplado at tila balc-wala lang ang pagpapakita niya ng damdamin. Pero hindi siya basta-basta sumusuko. Kaya kabaliwan man.umabot pa sa punto si Monet na naging "stalker" na siya ng binata para lang hindi ito malayo sa kanya. Hanggang sa isang araw, bigla na lang nagising si Monet sa sinasabing "kagagahan" niya. Paano'y, nakita niya na may kahalikang ibang babae si Ezra! Noon na-realize ni Monet na mali pala na minahal niya ang lalaki at pinag-alayan ng lahat ng kanyang panahon. Kaya naman matigas na ipinangako niya sa sarili na kakalimutan na si Ezra at ibabaon na sa kailaliman ng lupa ang kanyang nararamdaman. Ngunit para namang nakakaloko kung magbiro ang tadhana. Dahil kung kailan iniiwasan na niya si Ezra, ang lalaki naman ang parang baliw na dikit nang dikit sa kanya at basta na lang sumusulpot kung nasaan siya. Kaya ang tanong ng sambayanan: Sino ngayon ang "stalker" nino?