| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
Dahil sa walang habas na paglustay ng pera sa parties at mga bar, napagdesisyunan ng ama ni Seb na parusahan siya. Ipinadala siya ng ama sa hacienda na pag-aari ng kanilang pamilya bilang isang trabahador at hindi sasabihin sa kanilang mga tauhan na siya ang anak ng may-ari ng naturang hacienda. Pad pangalan niya ay iniba—Tiano ang pakilala niya sa mga tao roon.
Hindi naisip ni Seb na matatagalan niya ang simpleng buhay na walang cell phone, credit card, kotse at cash, pero nagawa niya. Natutunan niyang i-appreciate ang mga simpleng bagay sa tulong ni Iska, anak ng isang trabahador sa hacienda nila. Simple lang si Iska pero mabilis na nahulog ang loob ni Seb sa dalaga, kahit pa alam na alam niyang malayo ito sa mga tipo niyang babae. Pero may mataas na pangarap si Iska, ang makapag-asawa ng mayaman—sa katauhan ng ka-chat nitong foreigner na si Greyson.
Kahit gustong-gusto na ni Seb na ipagtapat ang tunay na pagkatao kay Iska ay pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang ma-realize ni Iska na hindi lang sa pagiging mayaman puwedeng maging masaya ang isang tao. Nagtagumpay si Seb na ipa-realize iyon sa dalaga at siya ang pinili nito at hindi si Greyson.
Ngunit panandalian lang ang kasiyahang iyon. Dahil nang malaman ni Iska ang tunay na pagkatao ni Seb, lumayo ang dalaga sa kanya...