When the heart wants something, it couldnt be stopped.
Laki sa isang islang kulang sa kaunlaran si Anita. Sa isla ay naranasan niya ang kalupitan ng tao at ang malamig na galit ng kanyang ina; subalit doon din natagpuan ni Anita ang mga tunay na kaibigan at ang isang lalaking nagpakilala sa kanya bilang Luis na minahal siya at pinawi ang kanyang kalungkutan. Ngunit biglang-bigla ay naglaho si Luis. Pinilit ni Anita na kayanin ang buhay na wala si Luis, sapagkat wala siyang ibang pagpipiliang gawin.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong matuklasan ni Anita na may ubod-rangyang buhay palang itinakda ang tadhana sa kanya. At sa bago at nakalululang buhay ay nakilala ni Anita si Adam, ang lalaking nangakong papangalagaan siya ano man ang mangyari, ang lalaking mayroong mga matang tulad ng kay Luis...
Ipagkakatiwala ba ni Anita ang kanyang puso kay Adam?