I dont think it would be fair if I dont tell you some things about me. You see, I really like you, and I like being with you. Matagal na panahon na akong hindi nakakatawa, Pipay. Ikaw lang ang nakapagpatawa uli sa akin. But I cant hurt you by not telling you what I feel. I still feel something for my ex.
Aray here, there, and everywhere. Hindi kaagad nakatugon si Pipay sa isiniwalat sa kanya ni Antonio. Masakit, oo, pero nagpapasalamat siya sa pagrespeto nito sa kanya sa ganoong paraan.
I want to forget her. I want to be with you Masarap sanang gawin na huwag nang magpaliwanag, na huwag nang sabihin sa `yo ito, pero hindi ko kayang gawin. I guess I just want you to know the truth and at the same time, I am hoping that even with the truth, you would find it in you to I dont know, help me out or just be with me and see what happens.
Willing itong kalimutan ang ex nito, may matinding atraksiyon din ito sa kanya. Nasa kanya ang partida. Bakit hindi siya susubok? Ganoon niya kamahal si Antonio. Sana lang ay may positibong kapuntahan ang sugal na iyon.