“Sinasabi ko na nga ba, hindi mo kayang panindigan ang pagtanggi mo sa akin. Nakaka-addict kasi ako.”
Lahat ng babae sa pamilya ni Alejandrina—mula sa kalola-lolahan niya—ay mga modernong Eba na hindi papayag na hindi makuha ang kanilang gusto. Sila na mismo ang gumagawa ng paraan upang lumigaya. Kaya nang makita uli ni Alejandrina, pagkalipas ng ilang taon, ang matagal na niyang sinisintang si Jacinto ay naging determinado siyang maging kanya ito. Ang naging motto niya: “Aakitin kita, lalaking pikon!”
Maakit kaya niya ito gayong siya ay isa lamang regular na jologs at sa track record ng lalaki ay mga sosyalera ang nagugustuhan nito?