Ang Kuwento ni Mimosa
Kuwento ni Bimbo Papasin
Guhit ni Aldy C. Aguirre
Mula noong siya'y buto pa lamang, wala nang ibang gusto si Pitsy kundi ang makita ang malawak na mundo.
Bawat araw na lumilipas, sabik na siyang malaman ang kaniyang magiging kapalaran at kung magiging kasingganda ba siya ng kaniyang nanay, ang puno ng Mimosa.
Hanggang sa dumating ang araw na kaniyang pinakahihintay.
Tunghayan ang kuwento ng mga pagsubok na nagpatatag sa pananampalataya ni Pitsy.
Pages: 32
Dimensions: 23 x 21 x 1 cm