Id rather like you in my arms, hold you close like this... Iyong kahit namimilosopo ka o nagbibiro, hindi ka makakalayo o makakatakbo. Iyong sakop kita ng kapangyarihan ko... iyong puwede kitang halikan when I want to.
Nang mag-apply si Ems sa Ricafuerte Group of Companies ay hindi niya inasahang matatanggap siya roon. Sa isang tulad niyang bagong graduate, that was more than a surprise. Pero ang higit na ikinagulat ni Ems ay nang malaman niyang hindi lang isang simpleng sekretarya ang magiging trabaho niya roon. Magiging personal assistant mismo siya ng presidente ng kompanyasi Anton Ricafuerte!
Kaya lang ay may rule ito sa trabaho: Dont fall in love with the boss.
Makakaya kayang sundin ni Ems ang rule na iyon gayong matitigan lang siya ng abuhing mga mata ni Anton ay nawawala na siya sa sarili?