“Napakadali mong mahalin. Halos nasa `yo ang lahat ng mga katangian ng babaeng gusto kong mahalin.”
Bilang isang kargador sa pier ay hindi sanay si Magdalene Juliano na magpaganda at mag-ayos; nasanay na siyang magsuot ng mga pananamit na naaayon sa kanyang trabaho. Pero binago ng pagdating ni Nathaniel Andrada—ang namamahala sa shipping lines na pinagtatrabahuhan ni Magdalene—ang pagtingin niya sa sarili. Bigla ay nais na niyang mag-astang tunay na babae; bigla ay gusto na niyang makita ang totoong hitsura na itinatago ng mga damit na pangmaton. At kahit alam naman niyang hindi siya mapapansin ng binata ay hindi pa rin niya napigilan ang sariling magkagusto rito lalo na at nagpapakita ito ng magandang pakikitungo sa kanya. Pakikitungo na wala mang pakahulugan ay hindi naman niya magawang hindi bigyan ng kulay.
Maging ang pananaw niya sa buhay ay binago na rin ni Nathaniel. She wanted him to notice her. She wanted to be a part of his world, bagay na alam niyang malabong mangyari dahil may ibang mahal ang binata—si Siena. Si Siena na mula ulo hanggang paa ay kinaiinggitan niya. Si Siena na inagaw ang lahat-lahat sa kanya.