Masyadong matagal akong namuhay na puno ng galit ang puso Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi ka dumating sa buhay ko.
Madalas na inaabangan ni Charlotte ang tawag ni Zander Buenaventura. Si Zander ay isang businessman na nagmamay-ari ng lupang gustong bilhin ng amo ni Charlotte na si Nico. Sa dalas ng pakikipag-usap ni Charlotte sa telepono kay Zander ay napalapit nang husto ang loob niya sa binata. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang malamang maaari na niyang makilala nang personal si Zander.
Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ni Charlotte nang matuklasang kakambal pala ni Zander si Nico. Nagkaroon sila ng relasyon ni Zander bago pa man niya malaman ang lihim ng binata. Paghihiganti pala ang pakay ni Zander sa kanyang amo. At si Charlotte ay isa lang palang masarap na pampalipas-oras na magiging kasangkapan sa giyera ng magkapatid