"I'll nurture her in my dreams. Pero kung wala kaming karapatan... I'll just go away, but she will always be the queen of my heart. And will love her 'til I breath my last."
Dalawang araw na lamang at ikakasal na sina Angelo at Cheryl nang magpakamatay ang binata sa hindi malinaw na dahilan.
Natuloy pa rin ang kasal.
Mag-isang lumakad sa aisle si Cheryl, suot ang trahe de boda. At si Angelo, nasa altar at naghihintay. Lamang ay isa nang malamig na bangkay.
Ang lahat ng iyon ay nasaksihan ng isang lalaking nanangis sa pagkamatay ni Angelo. At humanga ito sa kadakilaan ng pag-ibig ni Cheryl sa binata.
Sino ang lalaking ito at ano ang kaugnayan niya kay Angelo?