Gusto ko akin ka lang. Ayoko ng may kaagaw sa `yo!
Chinese-Filipina si Lourdylyne. Naniniwala at sumusunod ang pamilya nila sa right feng shui at mga orihinal na paniniwala ng mga Chinese, lalo pa at feng shui master ang daddy niya. Kaya naman nang malaman ni Lourdylyne na alanganin ang resulta ng compatibility test nila ni Dustin Jaceang kauna-unahang lalaki na maski saksakan ng suplado sa unang sandali pa lamang ng paghaharap nila ay nagustuhan pa rin niyaay kaagad na nagwelga ang kanyang puso.
Baka naman ipapanganak na talaga siya sa year of the tiger pero hindi lang natuloy. Baka two days na-overdue ang mommy niya! katwiran pa ni Lourdylyne.
Pero maski alam niyang alanganin ang tandem nila ay tinanggap pa rin niya si Dustin Jace nang magtapat sa kanya ng damdamin ang binata. Bahala na. Ang mahalaga sa kanya, mahal niya ito.
Sana lamang ay sapat na ang pagmamahal ni Lourdylyne kay Dustin Jace upang labanan ang bawat pagsubok na ibinabato sa kanila ng tadhana para paghiwalayan sila. Sana ay makaya niyang magpakontrol at isuko ang nakasanayang buhay para lamang matuloy ang pag-ibig nila.