“Yes, sinabi kong mahal kita and keep that in mind, dahil kapag nawala `yan sa isipan mo, hahalikan kita nang paulit-ulit para maalala mo.”
Anna had been secretly in love with her friend Excel. Kabilang siya sa mga taong nai-in love sa isang kaibigan. Masyado nang gasgas ang sitwasyon niya. She was stuck in the friend zone. She was in love with her friend who was crazy over another girl.
May choice naman siya, she could walk away. Pero ayaw niya, masaya siyang maging kaibigan ni Excel kahit nasasaktan pa siya dahil alam naman niyang walang patutunguhan ang pagsintang-pururot niya.
Hanggang sa umabot ang pagiging dakilang best friend niya sa pagiging tagahagod ng likod nito at taga-comfort dito nang maging brokenhearted ito—secretly hoping that he could learn to look at her as a woman and not just his female buddy.