“I won’t mind if the management would give my role to somebody else. Pero ang role ko sa buhay mo, hindi ko mapapayagang gampanan ng iba.”
Para kay Cherry, si Austin na yata ang pinaka-childish at playboy na lalaking nakilala niya. Mauubusan ng ihihirit sa kanya ang binata pero hinding-hindi siya magkakagusto rito. Sa kapatid nitong si Adam, puwede pa siyang ma-in love—because Adam was the man every girl will dream of. Dahil kay Adam, ginusto ni Cherry na maging instant friend si Austin.
Austin helped her to get to his brother and she succeeded in becoming Adam’s girl. Ngunit nang ma-trap si Cherry sa nakaambang pagpapakasal kay Adam ay bigla siyang nag-panic. Ayaw pa niyang magpakasal, hindi pa siya ready. Pero hindi na pala niya kailangang mag-isip ng paraan para hindi matuloy ang pagpapakasal niya kay Adam. Dahil isang umaga, nagising na lang siyang katabi sa kama si Austin!
Sa nangyari, daig pa ni Cherry ang napikot.