Shopping Cart

You save ₱0.00 on this order.
Total

₱0.00

Checkout
Category
Accidentally On Purpose
E-book

Accidentally On Purpose

by: Miranda Day

₱0.00
Category: Precious Hearts Romances
Weight: grams
Texture:
Quantity:
Size:
Weight: grams
Texture:

“Kung may magko-confess man sa akin ng undying love, hindi na kailangang maging bongga. No string quartets, marching bands or fireworks. Just those three little words.”

Si Cyrus ang matagal nang pinapangarap ni Rain na ideal man sa buhay, pero super bulag at manhid naman ang mala-Adonis na binata dahil hindi siya nito pansin. Ayaw din naman niyang siya ang maunang magtapat sa lalaki dahil baka ma-reject siya. Kaya inilagay na lang ni Rain ang kinikimkim na damdamin sa isang lumang baul at naghintay sa pagdating ng araw na matisod si Cyrus at makita ang napakagandang nilalang—na walang iba kundi siya—sa harap nito. Pero ang hambog na demonyong si River, na pinsan ng best friend niya at nang-insulto sa kanya sa unang date sana nila, ay ayaw siyang tantanan pagkatapos nitong mahukay ang kanyang super-duper deepest secret.


“He-he. Gusto mo bang malaman kung ano ang pinakamadaling paraan para manahimik ako?”
“Ano?” angil ni Rain.
“A kiss,” River answered, a wicked glint in his eyes.
“One kiss?”
“One kiss.” Lumapit si River, hinawakan siya sa balikat at bumulong, “Unless you beg me for more.”


Gustong kilabutan ni Rain sa offer ni River. Crush niya si Cyrus, pero bakit gusto niyang tikman ang mapupulang labi ni River?

    There are no ratings for this product yet.

Related Products

Download our new eBooklat App

Experience our new app and subscribe.

ImageImageImage
Image
Image