It was so sweet to have him kiss her again… kahit pa mapagparusang halik iyon at walang halong pagsuyo.
Pinakiusapan si Winter ni Theo na magpanggap na girlfriend nito para hindi magmukhang kawawa sa isang okasyon kung saan pupunta rin ang taksil na ex-girlfriend ni Theo kasama ang bagong boyfriend ng babae. Pumayag si Winter kapalit ng vacation treat na inialok ni Theo. Then he accidentally fell in love with her at sinimulan nitong suyuin siya.
Pero nang magkaroon ng problema ang ina ni Winter at ang kapatid ni Theo, pinili niyang isakripisyo ang nararamdaman niya para sa binata.
Kinamuhian siya ni Theo, pero sinuyo niya ito. Pero nagkabalikan na si Theo at ang ex-girlfriend nito…