Sa buhay, sa kamatayan, gusto kong ikaw at ikaw lamang ang naroon para sa akin.
Sa kalagitnaan ng pagbabakasyon ni Ferne, nakilala niya ang mapang-akit na si Dante, dahilan para kahit hindi siya handang magpaakit ay naakit siya. At sa kabila ng palabirong katangian ng binata, malakas ang kutob niyang may lalim ang karakter nito na tila kay sarap alamin, ngunit nakakatakot palawigin.
Pero ang takot ay nawala nang malaman ni Ferne ang katotohanan sa likod ng masayahing aura na ipinapakita ni Dante. Sa punto na pati ang trabahong iniaalok sa kanya na siguradong magbibigay ng ibayong tagumpay ay isinuko niya, makasama lang si Dante.
Ngunit ang sakripisyo ni Ferne ay nabale-wala nang matuklasan ni Dante na pati ang mailap nitong puso ay nais niyang mapasok. Itinaboy siya palayo ng binata, subalit sa paningin lamang siya nito mawawala. Dahil ang puso ni Ferne ay hindi madaling sumuko at makalimot.