Yes, Im half in love with you. Dati. Pero nag-evolve na uli ang feelings ko sa `yo. Im now completely, irrevocably in love with you.
The first time Dani caught a glimpse of Giles too-pretty-for-a-boys face, she instantly developed a crush on him. Ang problema, nang araw ding iyon na nakita ni Dani ang binata ay nalaman niyang may minamahal na itong babae.
Kaya tinanggap na lamang ni Dani na wala na siyang pag-asa kay Gile. Then they became friends. Kahit isang sandali ay hindi iwinawaglit ni Dani sa kanyang isip na hanggang magkaibigan lamang sila ni Gile dahil nakareserba na ang puso ng binata para sa iba.
Pero muling umasa ang puso ni Dani nang tanggapin ni Gile ang suhestiyon niyang magpanggap sila sa harap ng kanyang mga magulang na nagkakamabutihan na, nang sa gayon ay tigilan na ng kanyang mga magulang ang pag-usisa sa kanyang love life. Inakala rin ni Dani na tuluyan nang nakalimutan ni Gile ang babaeng minamahal lalo na at tuwing magkasama sila ay masayang-masaya ang binata. Pero nagkamali na naman yata si Dani. Dahil isang araw ay ipinakilala na sa kanya ni Gile ang babaeng minamahal daw nito.