Hindi makapaniwala si Honey na wala na ang boyfriend niya. Nabangga ang motorsiklong sinasakyan ni Travis na agad nitong ikinamatay. Hindi na matutuloy ang pamamanhikan nito. Ang malaking problema, ang magiging reaksiyon ng mga magulang niya kapag nalamang buntis siya at wala na ring kasal na mangyayari. Konserbatibo ang mga ito; malaking kahihiyan at sama ng loob ang idudulot niya.
Pero may “tulong” na iniaalok si Dick, ang pinsan ni Travis, para daw masolusyunan ang problema niya.
“Iniaalok ko ang sarili ko sa `yo para pakasalan ka.”
Napalunok si Honey nang hawakan ni Dick ang mga kamay niya. Hindi niya napaghandaan ang pamilyar na pakiramdam na nabuhay sa simpleng pagdidikit ng kanilang mga balat. He was so close. Pumapaypay sa mukha niya ang hininga nito.
“Here I am, offering you my name. How does Mrs. Dick Montoya sound to you?”
Mrs. Honey Montoya?
Hmmm… Parang ang gandang pakinggan na nakakabit ang pangalan niya sa apelyido ni Dick.
Pero ano ang dahilan para akuin nito ang responsibilidad ng iba?