Nabulabog ang tahimik na mundo ni Cathy nang sa unang pagkakataon ay umibig ang kanyang batang puso sa binatang transferee na si Peter. Ang pagsulyap-sulyap ni Cathy ay kalaunang nauwi sa isang malalim na ugnayan hanggang sa sabihin ni Peter na may gusto rin ito sa kanya.
.....They were in bliss. Pero biglaan ay umalis si Peter na ang tanging iniwan lang kay Cathy ay ang pangakong babalik ito.
.....Years have passed, hindi pa rin makalimutan ni Cathy ang binata. Pero si Peter pala ang nakalimot nang makita ni Cathy ang binata sa paaralang kanyang pinagtuturuan. At ang inaasahan ni Cathy na muling pagbabalik ng naiwan nilang pagtitinginan ni Peter ay naglahong parang bula nang ikaila siya ng lalaki at sinabing hindi siya nito naaalala.
.....Pero bakit?