Sarah was a romance writer. Nang minsan ay magkaroon siya ng writer’s block, naisip niyang lumayo muna. She needed an inspiration at ang naisip niyang paraan ay mamasukan bilang isang katulong. Nakilala niya si David Quirino na miyembro ng isang sikat na banda. Napatulala siya sa kaguwapuhan nito sa unang pagkikita pa lamang nila. She had a huge crush on him instantly. Ngunit gusto na niyang bawiin ang pagkaka-crush niya rito nang pahirapan siya nito sa mga gawaing-bahay. Paulit-ulit siyang pinaglilinis nito. Tila sinasadya rin nitong ikalat ang mga gamit nito at ipapaayos ang mga iyon sa kanya pagkatapos. Isa siyang señorita sa bahay nila kaya naman grabeng pagtitiis ang dinanas niya. Inis na inis siya kay David. Ngunit dahil din dito ay napakadali na para sa kanya na makabuo uli ng kuwento ng pag-ibig. Ngunit isang araw, nag-iba ang trato nito sa kanya. Pahiwatig na ba iyon na makabubuo rin siya ng totoong kuwento ng pag-ibig niya?