“I love you, Rafe. Wala na akong ibang gugustuhing makasama habang-buhay kundi ikaw. Ikaw lang.” Pakiramdam ni Avril ay mahal na mahal siya ng Diyos. Hindi man nakilala ni Avril ang kanyang ama at bata pa siya nang sumakabilang-buhay ang kanyang ina, inaruga naman at pinalaki siya nang maayos ng kanyang Lolo Kiko. At ngayong tapos na siya ng kolehiyo, natanggap pa si Avril sa kompanyang noon pa ay pangarap na niyang pagtrabahuhan. Isa na lamang ang kulang sa buhay niya—“papa.” Pero wala pa siyang oras para sa pag-ibig. Ngunit talaga nga yatang dumarating ang pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon. Sa minsang pag-uwi ni Avril sa San Isidro ay nakilala niya si Rafe. Kaagad nabighani si Avril kay Rafe. She spent everyday of her vacation with him. Kailangan pa niyang pumuslit para lamang makipagkita sa lalaki. At minsan man ay hindi siya nahuli ng kanyang lolo. She was blessed indeed. Hanggang sa malaman ni Avril ang dahilan ng pagtungo ni Rafe sa San Isidro. Ikakasal na pala ang lalaki, at ang masaklap, hindi si Avril ang babaeng pakakasalan ni Rafe!