Cheer went to Batanes to unwind and de-stress, to mend her broken heart. Inisip niyang mapapasigla siya ng magandang tanawin at kalayaang gawin ang lahat ng gustong gawin. Pero hindi pala ganoon kadali ang lahat. Nagmukmok pa rin siya at nagpakalasing sa bar para sandaling makalimutan ang panloloko ng ex-fiancé.
Nakatagpo siya ng karamay—si Raiden, ang itinuring niyang tinik sa kanyang lalamunan noon sa college. Dinamayan siya nito sa pagluluka-lukahan niya, inalo at inaliw.
Sa tulong ni Raiden, nagawa niyang makalimot—at muling magmahal.
Hindi inakala ni Cheer na ang binata na gumamot sa nawasak niyang puso ang siya ring muling wawasak doon.