“Huwag mo akong tatanungin kung mahal kita. Dahil baka kapag sumagot ako, kiligin ka.”
Dahil sa isang insidente, itinuring si Reena na ‘Wonderwoman’ sa lugar nila. At dahil lahat ng superheroine ay dapat na may ka-love team, gumawa si Reena ng para sa sarili. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang dumating sa Poblacion si Kenneth Park. Nang dahil sa kagwapuhang taglay nito bukod pa sa walang humpay na pagtutol sa love team ng may love team ay naging salawahan ang puso ni Reena. Tuluyan na siyang nahulog kay Kenneth.
Akala ni Reena ay magiging masaya na sila. Pero hindi pala. Dahil sa likod ng naghuhumiyaw na dimples at nakakatoreteng ngiti ni Kenneth ay nakatago ang isang kasinungalingan…