“Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng nagawa kong kagaguhan sa buhay ay minahal mo pa rin ako. Natatakot ako na baka isang araw ay bigla kang matauhan kaya pakasalan mo na ako, please lang.”
Masaya na sana si Phoebe sa platonic relationship nila ng best friend niyang si Jairus hanggang sa isang araw ay hiniling ng lalaki na magpanggap siyang girlfriend nito. Alam ni Phoebe na dapat siyang tumanggi ngunit hindi niya magawa sa hindi mawaring kadahilanan. She couldn’t be in love with him, right? Sobrang playboy ang binata. Eh, bakit hindi mapakali si Phoebe kapag nasa malapit si Jairus?