“Kapag tinanggap mo ako sa puso mo, tuluyan na akong mabubulag sa iba at ikaw na lang ang titingnan ko.”
Brokenhearted si Ysabelle nang makilala niya si Dylan San Gabriel. Sikat ang mga San Gabriel kaya kilala niya ang lalaki. Nalasing sila nang gabing iyon at nagising na magkatabi sa kama. At worst, may “nabuo” sa ginawa nila. Hindi iyon kayang pasaning mag-isa ni Ysabelle kaya humingi siya ng tulong kay Dylan. Lahat naman ng demand niya ay pinagbigyan nito.
Isa lang ang kondisyong hiningi ni Dylan, iyon ay ang huwag siyang magde-demand ng kasal. Nakalaan na kasi ang puso ni Dylan sa ibang babae. Ysabelle may be the mother of his child but she can never be his wife. Wala sanang problema ang kondisyong iyon kung hindi lang suwail ang kanyang puso.