Bumaba ng tore ng Daya si Nimfa upang tumulong manggamot sa mga sugatang bampira ng digmaan. Noon niya nakilala ang sugatang mandirigmang bampira, si Esquivel—isang guwapo, suplado, at malamig pa sa yelo kung makipag-usap sa kanya. Hindi nabawasan ang kasungitan ng lalaki kahit pinakitaan niya ito ng malasakit. Nauunawaan niya iyon dahil mayroong itong nagawang labag sa mga bampira. Gayunman, iba ang nadarama ni Nimfa sa lalaki. Batid niyang mabuting bampira si Esquivel. Katunayan na ilang beses siya nitong iniligtas at ibayong kontrol ang ginawa nito para huwag siyang atakihin.
Hanggang sa natutuhan niya itong mahalin. At dahil mahal ni Nimfa ang lalaki, naging solido ang kanyang desisyon na hindi ito huhusgahan o lilibakin sa mga pagkakamali nito.
Pero hindi pala ganoon kadali ang lahat. May ipinagtapat ito sa kanya at ikinagalit niya nang husto ang buong katotohanan. Papaano pa niya mamahalin si Esquivel kung nilibak nito ang kanyang angkan at paniniwala?