“Alam mo ba kung ano ang lamang mo sa mga babae na nakasama ko na? You make my heart run wild.”
Kerry Ann enjoyed living a dangerous life. Nagtatrabaho siya bilang isang undercover agent sa isang primera klaseng ahensiya. She was one tough chic. Pero napagtanto niyang babaeng-babae rin pala siya nang makilala niya si Tadeo, isang kliyente na kailangan niyang protektahan dahil nakakatanggap ito ng mga kidnapping threat.
Nang una niyang makita ang guwapong binata na palihim niyang babantayan, she heard warning bells. Pilit niyang sinupil ang atraksiyon na nadarama para dito. Trabaho lang dapat ang lahat. Hindi siya dapat ma-in love sa kanyang kliyente. Samantalang si Tadeo ay todo ang pagpaparamdam ng atraksiyon sa kanya, unti-unti, walang kahirap-hirap na binubuwag nito ang pader na itinayo niya sa kanyang sarili.
Ngunit dahil sa trabaho niya ay kailangan niyang magpanggap na bale-wala lang ito sa kanya. Kahit ang kapalit niyon ay ang kamuhian siya nito…