Were perfect for each other. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, sa iyo ako may pinakamagandang chemistry. We were born for each other.
When she was sixteen, Stefanie Agpayo fell in love with her pen palsi Luke Vallejo. Agad na nabihag ang kanyang batang puso nang masilayan niya ang larawang kalakip ng sulat nito sa kanya.
Ngunit nagkita sila sa prom night ng kanilang school at kasama pa ni Luke ang mortal niyang kaaway! Nalaman pa ni Stefanie na magpinsan ang mga ito. Bad blood, she concluded. Gusto niyang supilin ang nadarama para sa binata.
Akala ni Stefanie ay makakalimutan na niya ito nang mag-migrate sila ng kanyang mama sa Amerika. Pagkaraan ng ilang taon ay muli siyang nagbalik. Her vacation was a gift from her mother and stepfather. And she was now Steffie Lewes.
Nang muli silang magkita ni Luke ay wala ang anumang rekognisyon sa mga mata nito. At isang araw, bigla na lang itong sumulpot sa bahay nila, dala ang tatlong long-stemmed roses and chocolates. Liligawan daw siya nito upang ilayo sa pinsan nitong nagpapakita ng interes sa kanya. At bigla-bigla rin ay nagpo-propose na ito sa kanya!
But did he love her?
It would be a dream come true.