"Ang nagmamahal, willing makipagsugal... pero matinong pakikipagsugal. Balanse ang puso at isip at mulat ang mga mata sa katotohanan." Ulilang lubos na ang maganda at batambatang landlady na si Ellen Marie. Tahimik siyang namumuhay nang guluhin siya ng guwapong basketball player na si Dave. Crush niya ito kaya laking gulat niya nang hindi lang pakikipagkaibigan ang habol nito kundi liligawan pa siya. Ngunit nang mangupahan sa kanyang apartment ang isang Irvin O'Connor ay lalo siyang nagulo. Lalo na nang iparamdam nitong higit pa sa landlady-tenant relationship ang ibig nitong mangyari sa kanila. Lalong naging magulo ang lahat nang sumulpot din sa eksena si Ludwin, ang ama ng batang si Nico. Naghahandog ito ng kasal. Kanino nga ba siya mapupunta ngayong pinatigil na niya sa panliligaw si Dave, natuklasan niyang ginamit lamang si Irvin ng tiyahin nitong may gal it sa kanya, at bumalik na ang tunay na asawa ni Ludwin?