“Totoo pala ang love at first sight. Minahal na kita sa unang pagtatagpo pa lamang ng ating mga mata.” Si Race ay isang TV ad model na sobrang hinahangaan ni Chazel. Pero nang ipalabas ang latest TV ad appearance ng binata ay parang ipuipong tinangay ng hangin ang malaking paghanga ni Chazel. Naka-briefs lang kasi si Race sa higanteng billboard nito na nasa harap pa mismo ng opisina ni Chazel at ang dalaga ang nahihiya sa pagbuyangyang ni Race ng katawan. She was a conservative type of woman, at mahalay para sa kanya ang makakita ng mga lalaking halos nakahubad na. Subalit tila pinaglalaruan sila ng tadhana dahil kahit saan magpunta si Chazel ay biglang sumusulpot si Race. He portrayed himself like a knight in shining armor to rescue a damsel in distress. At siya ang tinutukoy na damsel. Tulad ng ibang mga love story and fantasy, siyempre ay may kontrabida. Starr portrayed the “kontrabida” part. Subalit kabaligtaran ang nangyari—ang kontrabida ang minahal ng hero. How sad!