Napakahirap magpanggap na masaya kahit ang totoo, tuwing nakikita kitang niyayakap ng iba, gusto kitang agawin sa kanya.
Bata pa lang sila ay minahal na ni Angela si Hansi. Pero hindi nasuklian ng binata ang pagtingin ni Angela kaya naibaling ng dalaga ang atensiyon sa best friend ni Hansi na si Warren, na totoong nagmamahal sa kanya.
Lumipas ang ilang taon at inakala ni Angela na simpleng infatuation lang ang naramdaman niya noon para sa kababatang si Hansi. But a tragedy struck, at ibinalik niyon si Hansi sa sentro ng buhay ni Angela. Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti nilang natagpuan ang mga sariling binabalikan ang nakaraan. Kahit sa kanilang mga sarili ay hindi sila sigurado kung nararapat pa nilang tuparin ang mga pangakong binitawan noon.