“Kung ginagawa mo ang pag-iwas para parusahan ako, nagtagumpay ka. Because every minute na itinataboy mo ako palayo ay dobleng sakit at pangungulila ang nararamdaman ko.”
Puwedeng sabihin na neglected child si Celeste—dahil mula nang dumating sa buhay nilang mag-ama ang stepmother niya at ang half sister niya ay lalong napalayo ang malayo nang loob niya sa kanyang ama. Hindi na nga siya napapansin nito noon ay lalo pa siyang hindi napapansin nito ngayon.
Hanggang dumating si Kevin, ang boyfriend ng kapatid niya. Nagawa nitong makipaglapit sa kanya na hindi siya hinuhusgahan nito. Hindi niya napigilan ang sarili niya, minahal niya si Kevin nang lihim.
Ngunit isang gabi, isang pagkakamali ang nangyari, at binago niyon ang buhay nilang dalawa…