Madalas sabihin ni Maris na hindi sila bagay ni Rommel. That they had nothing in common.
Ngunit nang minsang mapagmasdan niya ito ay parang ibig na niyang kalimutan ang palagi niyang sinasabi sa sarili. The man had class!
And with Rommel, pakiramdam niya ay tila naglaho ang lahat ng mga alalahanin niya sa buhay.
Kung kaya't kahit ilang beses na idinidikta ng kanyang isip na hindi sila bagay, ganoon din ang dami ng beses na itinatanggi iyon ng kanyang puso.
And now she was having second thoughts...