“Stop running away because I will just keep chasing you anyway. Hindi ka ba napapagod?”
“Oh, the beautiful Maldives...” Dumipa pa si Dawn nang makalabas ng arrival hall ng Velana International Airport sa Malé. “I love Maldives,” deklara pa niya.
Pero nasira ang kanyang dream vacation nang sa lobby ng tinutuluyang hotel ay makita ang lalaking ayaw na ayaw na niyang makita buong buhay niya—ang ex-boyfriend niyang si Jaddon, ang lalaking iniyakan niya nang balde-balde. Ang lalaking dahilan kung bakit nagka-trauma na siya sa mga lalaki at ni magpahalik sa pisngi ay ayaw niya. At ang impaktong si Jaddon, isinama pa sa Maldives ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Iiwas sana si Dawn pero nakita na siya ni Jaddon. At hindi na siya hiniwalayan nito—parang stalker na nakabuntot lagi sa kanya.
Stress imbes na relaxation ang nahita ni Dawn sa company ang dalawa. At ang mas nakakainis pa, na-realize niya na kinikilig pa rin siya sa mga ngiti ng kanyang ex at natutunaw sa mga titig nito.
Isa lang ang sigurado siya: hindi maganda ang nangyayari…