"I'll do everything to have you back and that's final."
Umibig si Trina kay Rigor sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng kanyang ama. Minahal niya ito ng lubusan ngunit bakit bigla itong lumayo at siya'y iniwan?
"Mahal kita," ang sabi ni Rigor. "Ngunit kailangan kong lumayo bago ko masira ang buhay mo."
Saka ngayon ay babalik-balik ito! Ayaw na sana ni Trina, ngunit ang muling madama ang init ng mga yakap at halik nito; ang muling makulong sa mga bisig nito; pakiwari niya'y iyon na ang kapupunan sa mga kahungkagang nakapaloob sa kanyang dibdib sa na-kalipas na ilang taon.
At malaki na ang ipinagbago ni Rigor, larawan ng isang lalaking masasandalan, ng isang lalaking may matatagnapaninindigan...