“Nakahanda akong gawin ang lahat, kahit ano, mapatawad mo lang ako. Huwag lang ang hilingin mo sa aking layuan kita…” Pinaglayo ng malagim na pangyayari sa nakaraan sina Kirsten at Benjamin, kaya kahit sino ay magsasabing imposibleng mahalin ng binata si Kirsten. Pero hindi mapipigilan ang puso kapag tumibok. At ang isang guwapo at makisig na sundalong kagaya ni Benjamin ay mahirap tanggihan. Kirsten fell in love with Benjamin. Kahit pa nga noong una ay nilinaw ni Benjamin na hindi nawawala sa puso nito ang galit sa pamilya ni Kirsten. Pinili ni Kirsten na magbulag-bulagan kapalit ng pag-asang sapat na ang pag-ibig para kalimutan ni Benjamin ang nakaraan. Pero paano kung nagkamali siya?