I never stopped loving you. Ill probably love you for all eternity, too.
Minahal ni Sassa si Phillip sa kabila ng napakaraming hadlang sa pagitan nila. Tila hindi gusto ng langit at tadhana na magkasama sila. Iniwan siya nito nang hindi na nito nakayanan ang mahirap na sitwasyon. Ang sabi nito ay hindi nito kayang mahalin ang kapatid na babae ng lalaking sumira sa buhay ng kapatid nito.
Lumipas ang mga taon. Sa kabila ng galit, naroon pa rin ang pag-ibig sa puso niya.
Nang magkaroon siya ng pagkakataon na makasama ito ay naramdaman niyang may damdamin pa rin ito sa kanya.
Ngunit hindi na siya maaaring magpumilit dahil kapwa na sila hindi malaya