Isang matinding writers block ang dinaranas ng romance novelist na si Anne. Para makapagpahinga at para na rin makahanap ng inspirasyon, sumama siya kay Nigel nang umuwi ito sa probinsiya nito sa Mahiwaga.
Doon ay naramdaman niya ang pagmamahal at pagtanggap ng isang pamilyabagay na hinahanap-hanap niya. At dahil na rin puno ng pag-ibig ang magandang lugar na iyon, nanumbalik ang drive niya sa pagsusulat. Naging masaya ang pananatili niya roon, lalo nat kasama niya si Nigel.
Ngunit isang halik ang nagpabago sa kanilang relasyon. Nais man niyang mahalin ito nang buong-buo ay sarisaring negatibong damdamin ang pumipigil sa kanya. Magagawa ba niyang palisin ang mga iyon upang makapiling ang binata?