| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
| “Hindi ako aalis sa tabi mo hanggang kailanganin mo ako sa paraang kailangan kita. Kapag handa ka nang magmahal, ako sana ang una mong makita.†Para kay Cameron, si Damian ay isang prinsipe. Narito na yata ang lahat ng katangian na magugustuhan ng isang babae sa isang lalaki. Guwapo, mayaman, at napakabait. Hindi na siya nagulat o nagtaka nang mahulog nang husto ang loob niya rito. Minahal niya ito nang sobra-sobra. Napakarami niyang mga pangarap para sa kanilang dalawa at para sa kanyang sarili. Punong-puno siya ng pag-asa. Alam niya na ito na ang nais niyang makasama habang-buhay. Alam niya na ito lang ang mamahalin ng kanyang puso magpakailanman. Ngunit may nangyari upang mawala sa kanya ang lahat ng pag-asa at pangarap niya. Halos hindi na niya gustong mabuhay pa. Hindi siya naging karapat-dapat na prinsesa para dito. Dahil sa sobrang pagmamahal niya, hindi niya maatim na maging makasarili. Kinailangan niyang itaboy ito patungo sa ibang prinsesa na nararapat para dito. Kahit masakit, pakakawalan niya ito... |