Mahal na mahal kita Maisip ko pa lang na titira ako sa palasyong ito nang hindi ka kasama, parang gusto ko nang mamundok.
Bihag ng sumpa si Lumen dahilan kung bakit hindi niya magamit ang kanyang tinig. Dati siyang alipin na nagpasyang panghawakan ang sarili niyang buhay. Wala siyang kamalay-malay na siya pala ang susi upang malinawan ang maraming bagay sa Veakariaang mundong pinagmulan niyalalo na sa buhay at kapalaran ni Yorgos, ang lalaking nagbigay sa kanya ng una niyang halik halos isang dekada na ang nakalilipas.
Si Yorgos ang dapat na hari ng Veakaria, ngunit naakusahan ito sa salang pagpatay. Nakatakas ito sa piitan, at ngayon ay namumuhay bilang isang pugante. Upang patunayan na inosente ito sa krimen, kailangan nitong iharap sa mga pinuno ng estado ang tanging saksi na wala ito sa lugar ng krimen nang mga panahong iyonsi Lumen.
Kailangang magkasama nilang harapin ang mga pagsubok, hindi lamang upang mapawalang-sala si Yorgos at mailuklok sa kaharian, ngunit higit ang mga hadlang sa malalim na damdaming nagsimula nang umusbong sa kanilang mga puso para sa isat isa.