Isinumpa ng isang baliw na salamangkera si Melina kaya namuhay siya na parang isang multo sa loob ng ilang taon. Ayon sa sumpa, isang tao lang ang makakakita sa kanya at kapag nakita na niya ang taong iyon ay hindi niya dapat na pakawalan.
Kaya nang makita siya ng mandaragat na si Isadoros ay hindi na niya tinantanan ito. At sa kakakulit niya ay napilitan itong tulungan siyang hanapin ang baliw na salamangkerang nagsumpa sa kanya.
Ngunit isa na namang sorpresa ang hatid ng baliw na salamangkera. Inalis nga nito ang sumpa, ngunit ikinasal din siya nito kay Isadorosang pinakababaero, pinakaarogante, at pinakaguwapong salamangkerong nakilala ni Melina sa tanang buhay niya.
Magkakasundo kaya sila ni Isadoros o kamumuhian siya nito kapag nalaman nito ang lihim tungkol sa kanya na bata pa lamang ay itinatago na niya?