Shopping Cart

You save ₱0.00 on this order.
Total

₱0.00

Checkout
Category
Veakaria 1- Andrei, Ang Itinakwil Na Anak Ng Tenon
E-book

Veakaria 1- Andrei, Ang Itinakwil Na Anak Ng Tenon

by: Vanessa

₱199.00
Category: Precious Hearts Romances
Weight: grams
Texture:
Quantity:
Size:
Weight: grams
Texture:

Masaya ako kapag kasama kita Masayang-masaya. At matagal na mula nang huli akong naging masaya.
Walang tiwala si Alexandra sa mga bampira. Ngunit kailangan niya ang tulong ng isang bampira upang iligtas ang kanyang nobyo mula sa piitan na mula nang itayo ay wala ni isang bilanggo ang nakatakas. Si Andrei ang bampirang iyonguwapo, arogante, babaero.
Dinala ni Alexandra si Andrei sa Veakaria, ang kanyang mundo, at lugar kung saan isinumpa ang mga tulad nito. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang malakas at makapangyarihang bampira ay nakadama ng panghihina. Nagalit ito sa kanya nang husto.
Paano pa niya makukumbinsi ito na samahan siya para sa isang imposibleng misyon? At bakit sa kabila ng galit niya sa kaarogantehan nito ay hindi niya maiwasang mapansin mayat maya ang kaguwapuhan nito?
Ang kaharian ng Veakaria ang pinagmulan ng unang sibilisasyon ng mundo. Binubuo ito ng limang estadoZaskidav, ang kabisera kung saan naroon ang palasyo ng hari; ang Lamia, na kilala para sa pisikal na kagandahan ng mga mamamayan at lokasyon din ng pamosong kulungan ng mga nagtaksil o gumawa ng krimen sa mga pinuno ng kaharianang Tartaros; Galen, kung saan mayaman ang karagatan; Peri Ev, kung saan naroon ang Kagubatan ng Peri na tahanan ng mga diwata; at Tenon, ang estadong may itim na kagubatang isinumpa ng isang makapangyarihang salamangkera. Sa itim na gubat o Nit Dreb ay walang salamangkang maaaring gamitin, walang bungang maaaring kainin, at walang liwanag na matatanaw kahit umaga. Iyon ang dahilan ng pagbagsak ng minsan ay maunlad na estado ng Tenon.
Noong unang panahon, walong uri ang mga nilalang na nakatira sa Veakariaang mga salamangkero, elfo, duwende, xotik, taong-lobo, bampira, diwata, at mga ordinaryong taong walang taglay na salamangka. Nakita ng reyna noon na si Astraia ang pagsasamantala ng mga may salamangkang nilalang sa mga ordinaryong tao at dahil sa pagmamahal at awa ay itinaboy niya ang mga ordinaryong tao sa lugar kung saan walang salamangkang maaaring makapanakit sa mga ito. Ang lugar na iyon ay tinawag na Nador Theal o Damned Land na mas kilala ng mga ordinaryong nilalang bilang mundo.
Sinelyuhan ni Reyna Astraia ang hangganan ng Veakaria at Nador Theal at magmula noon ay wala nang taga-Veakaria ang maaaring makapunta sa Nador Theal nang hindi nauubos ang salamangka sa katawan, at wala ring taga-Nador Theal ang maaaring makarating sa Veakaria nang walang kasamang taga-Veakaria. Wala ring anumang makabagong instrumento ng mga taga-Nador Theal ang maaaring makakita sa Veakaria mula sa mapa o radar ng mga ito.
Gayunman, paminsan-minsan ay may mga kakatwang pangyayari sa Nador Theal na nagsasabing may lugar at mga pangyayaring sadyang hindi makita at maanalisa ng modernong teknolohiya at hindi rin magawang ipaliwanagtulad ng paglalaho ng mga barko o anumang sasakyang-pandagat nang walang iniiwang bakas, o mga indikasyon ng mas maagang sibilisasyon sa kasaysayan. Walang ideya ang mga ordinaryong tao ng mundo na nagmula ang mga ito sa Veakaria, bagaman makikita sa mga mito at alamat ng mga ito na buhay pa rin ang alaala ng Veakaria hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ilang daang taon pagkatapos maselyuhan ang Veakaria, isinumpa at ipinatapon naman ng isang hari ang mga bampira at taong-lobo patungo sa Nador Theal. Manghihina na ang mga ito kung mananatili ang mga ito sa Veakaria kaya lumisan ang karamihan sa mga ito. At muli, ang mga nilalang ng Veakaria ay nabawasan at ang tanging nanatili ay ang mga salamangkero, diwata, elfo, at ang pinsan niyong duwende.
Ang hari o reyna ng Veakaria ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa buong kaharian sapagkat narito ang susi sa baul ng salamangkang walang hanggan. Gayunman, may isa pang susi para sa baul ng salamangka at iyon ay isang susi na may limang bahagi, at bawat bahagi ay ipinagkakatiwala sa pinuno ng bawat estado. Limang bahagi, limang pinuno, limang estadoisang susi.

    There are no ratings for this product yet.

Related Products

Download our new eBooklat App

Experience our new app and subscribe.

ImageImage
Image
Image