“Oh, we’re a perfect pair. Kung parehong kaliwa ang mga paa mo, parehong kanan naman sa akin.” Unang nagtagpo ang mga landas nina Raven at Roel sa isang summer youth camp sa Wyoming. There, they spent a brief but passionate encounter. Maayos naman ang naging paghihiwalay nila. Subalit naglaro ang tadhana—dahil pagkaraan ng labing-isang taon ay muling nagtagpo ang mga landas nila. Si Roel ay agad nakilala si Raven. Habang si Raven ay hindi maalala si Roel. A car accident made her forget him. But just like before, hinarap nila ang atraksiyong namamagitan sa kanila. Kung kailan akala ni Raven ay perpekto na ang lahat, saka naman nasaksihan mismo ng mga mata niya ang kataksilan ni Roel. He was naked in bed… with another woman!