Kapag natapos na ang magpakailanman, hihiling ako sa Kanya ng panibagong mga bukas para patuloy kang mahalin.
Isang dentista si Guinevere. Nang maimbitahan siya na sumama sa medical mission ng Valencia Foundation ay agad siyang pumayag. May hidden agenda siya sa pag-volunteerat iyon ay ang makilala ang kanyang hinahangaan na si Charlie Valencia. Hindi naman siya nabigo. At mukhang kakampi pa niya si Kupido dahil tinamaan sa kanya ang binata. Isang whirlwind romance ang namagitan sa kanila. Subalit ayaw umasa ni Guinevere na sa happily ever after matatapos ang kuwento nila. Sa oras na mabunyag ang sekreto niyang iniingatan, tiyak na iiwan siya ni Charlie.