Hindi ako tumigil sa pagmamahal sa `yo, na-low batt lang ang puso ko pero hindi na-drain. Kailangan lang i-charge. And it charged in an instant nang muli tayong magkita.
Pinakawalan ni Febe ang isang dakilang pag-ibig sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagtanggi kay Brandon. Huli na nang ma-realize niya na mali ang naging desisyon niya. It changed her life. At sa loob ng siyam na taon ay iningatan niya sa kanyang puso si Brandon. Umaasa na lang siya na kung talagang sila ang para sa isat isa ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana. At marahil may plano nga ang tadhana para sa kanya dahil muli silang nagkita ni Brandon. Subalit iba na ang sitwasyon ngayon dahil hindi lang pala ang damdamin niya ang nag-iba kundi maging ang kay Brandon din. Hindi na siya mahal ng binata.