"Habang-buhay kong ipagpapasalamat na dumating ka sa buhay ko."
Binigyan lamang si Lorraine ng isang buwang palugit ng kanyang ama para maghanap ng boyfriend, kung hindi ay ipagkakasundo diumano siya sa isang lalaki na ni hindi niya kilala.
Stress is a killer. Pero saan siya hahanap ng nobyo sa loob ng isang buwan?
Until one day, may lalaking kumuha ng atensiyon ni Lorraine. He was tall, dark, and very much handsome! And, oh, boy, he was hot! For the first time, gumana nang matindi ang imahinasyon niya patungkol sa mga anak ni Adan. She pictured him topless in her mind. Ikinompara agad niya ang lalaki sa mga Greek god statue.
Marahil ay gusto rin siyang paglaruan ni Kupido dahil muling nagsalubong ang mga landas nila ng lalaki na ang pangalan pala ay Dylan Valencia. Ito na kaya ang sagot sa problema niya?
Puwede anang puso niya.