“I had been wondering why. Wala sa nature ko ang maging basta na lang interesado sa isang babae and more so, wander around with her. Nakakatakot because girls always tend to assume. But if there's anything I am sure of this moment, you wanted to be with me just as I wanted to be with you.” Kung may sumalo ng lahat ng kababaan ng self-confidence at self-esteem sa mundo, si Shamara iyon. Gayumpaman, hindi iyon naging hadlang para makamit ang kanyang mga pangarap. She was a successful surgeon. But then again, it was still not enough. Andrew was one big-shot architect and also the owner of a successful house construction and developing firm. Dahil sa status, plus kaguwapuhang taglay, maraming babae ang naghahabol sa kanya. Ngunit hindi tulad ng ibang mga lalaki, hindi gusto ni Andrew na ang babae ang unang lalapit sa kanya. Mas gusto niyang siya ang unang lalapit. When Shamara and Andrew’s paths crossed, Shamara found him so conceited and annoying, though she admitted to him that she found him handsome. Habang si Andrew naman ay halatang naintriga kay Shamara. Paano magkakasundo ang isang babaeng kulang ng tiwala sa sarili at isang lalaking ubod ng yabang? Sapat na ba ang obvious na attraction nila sa isa’t isa para may patunguhan ang kanilang pagtatagpo?
Edit Review
Edit Review