“Gustong-gusto kitang iwasan pero lagi ko na lang natatagpuan ang sarili ko na tumatakbo palapit sa `yo.”
Masayahing tao si Giselle at halos lahat ay idinadaan niya sa biro. Kaya sino ang mag-aakalang malungkot ang buhay niya? Ni minsan ay hindi niya naramdaman na minahal siya ng sariling mga magulang. Pulos masasakit na salita patungkol sa kanya ang naririnig niya sa mommy niya at ang daddy naman niya ay sunod-sunuran lang dito. Ang tanging kakampi at tagapagtanggol niya sa buhay ay ang Ate Ashley niya. Sapat na iyon para madama ni Giselle na hindi siya api at nag-iisa.
Hanggang sa nakilala niya si Josh. Unang kita pa lang niya sa lalaki ay nagkagusto na agad siya rito. Lagi silang magkasama at sa tuwina ay nalulubos ang kaligayahan niya. Kapag kasama niya si Josh, nakakalimutan niya ang mga problema niya.
Ngunit kailangan niyang umiwas sa madalas na pagsama rito. Nahuhulog na kasi ang loob niya rito at nahihirapan na siyang sikilin ang damdaming iyon. Hindi niya puwedeng mahalin ito. Hindi niya gustong mabansagang “mang-aagaw.”
Dahil si Josh ay boyfriend ng Ate Ashley niya…