Ikaw na siguro ang record holder ng boyfriend na the best kung magpakilig sa girlfriend.
Para kay Norie Ann, sa simula pa lang ay knight in shining armor na ang peg ng guwapong Caucasian mestizo na si Santi. Hindi lang magaling magpakilig ang lalaki, ito pa ang naging daan para magkita at magkasundo sila ng kanyang mama.
Hindi nga lang marunong maghinay-hinay si Santi sa mutual attraction na nararamdaman nila sa isat isa.
Paano ba naman, nanliligaw pa lang si Santi ay gumagawa na ng plano para sa future nila. At daig pa ni Norie Ann ang isang prinsesa sa treatment ng lalaki.
Sino ba namang babae ang hindi agad mai-in love? Her head was spinning with his brand of kiss, and her heart was melting with his sweetness.
Pero knight in shining armor din pala ito ng ibang babaeng nagke-claim dito. Galit na galit ang mama ni Norie Ann. Pinalayas nito si Santi. Ngayon tuloy, daig pa ni Norie Ann si Cinderella na tinakbuhan ng prinsipe at walang naiwan kundi karwaheng kalabasa.